> Mga kababayan at bayan ko, basahin n’yo
> Wala na sa piling ng mga Pilipino,
> Tinig ng awiting Mga Kababayan Ko,
> At lumisan na rin noong isang Sabado,
> Inang nagpalipad sa awiting Bayan Ko.
> Ako’y sumasaludo, paalam Pangulo,
> May isa ‘kong lihim, kay tagal itinago,
> Sa lahat nang inabot kong mga namuno,
> Tanging ikaw lang sa luha ko’y nagpatulo.
> Marami ang nalungkot sa iyong pagyao,
> Magalang ang lahat at puno ng respeto,
> Nagpasalamat pa nga Kapamilya sa ‘yo,
> Dahil kanilang himpilan naibalik mo.
> Subalit ano itong nabalitaan ko?
> Nangyari noong Lunes, a-tres ng Agosto,
> Habang inililipat ang mga labi mo,
> Ika’y parang nabastos sa isang TV show.
> At ang napakasaklap at masakit dito,
> Ang nambastos pa’y kapamilya ng anak mo,
> Napanood ito ng tao at publiko,
> Kakaunti na nga, ngunit lahat nahilo.
> Sabi ng TV host na mainit ang ulo
> Pagkakita sa video na kanyang kasalo,
> “Sandali, meron akong ano… sa’ting ano…
> Hindi naman sa ano,” nagkaanu-ano!
> Ayon sa Internet, meron pa s’yang nasambit,
> “Sana pakitanggal muna ‘yan sa’ting traffic…”
> At ‘di maaalis sa iyong pag-iisip,
> Ang parada ng patay ang pinaliligpit!
> At dagdag pa daw ng naghahari-harian,
> “I don’t think na dapat n’yong ipakita iyan…”
> Nasaan naman ang paggalang, o nasaan?
> Mga sinasabi natin minsa’y pag-ingatan.
> At ‘di pa nangimi nang sumunod na araw,
> Pinilit pa ring ginawa n’ya ay tama raw,
> Mga nakarinig ‘di na nakagalaw
> At ayon sa iba sila na la’y napa-wow!
> “… Pero ako, totoo ‘ko eh … “, sabi kuno,
> Totoo nga at totoo ring walang modo,
> Pwede namang sabihin itong pa-sikreto,
> Kaya’t wala na rin mga paliwanag mo.
> “Kung ganyan, pakita na lang ‘yan!”, ang hamon pa,
> Para bang ang prusisyon nila-“lang - lang” lang ba,
> Ang pangasiwaan ay pinapili pa n’ya,
> Sumunod ang himpilan, nung August 5 wala s’ya.
> May mga komentong pwede nang pang-harapan,
> “On camera” baga sa TV ang tawag d’yan
> At kung sensitibo man ang gustong bitawan,
> Pagpasok ng commercial, hintayin mo na lang.
> Matutong magbaba muna ng mikropono
> At saka idikta lahat ng iyong gusto,
> Lagi kang mataas lahat daw takot sa ‘yo,
> Ratings lang ang mababa — totoo ba ito?
> The breaking news breaks your heart — at ‘yan ang bawi mo,
> Nang mahalata mong sumablay ang pasok mo,
> Pero sigurado ika’y maa-abswelto,
> ‘Di ba ikaw rin ang may-ari ng network n’yo?
> Nung Hueves nag-apologize sa diario naman,
> O, akala ko ba wala kang kasalanan,
> Tapos ng angalan, sunod paliwanagan —
> COMPLAIN before you EXPLAIN ka na naman!
> O ito kaya ay isa na namang “glitch” lang,
> Tulad ng “two-zero” ‘di na natin nalaman,
> O ito ay maliwanag na kabobohan?
> Sa tingin ng marami, mahirap lusutan.
> Ang sabi ng iba — istupidong mayabang,
> At giit ng iba — istupidong mayaman,
> Mayaman man o mayabang ang tiyak diyan,
> Napakayaman n’ya sa kaistupiduhan.
> Buti pa ang apat na honor guards ni Cory —
> Sina Malab, Laguindan, Rodriguez, Cadiente,
> Walong oras tumayo sa ulan at viaje,
> Ang lahat ay tiniis at walang sinabi.
> Samantalang ikaw na may bubong sa ulo,
> Komportable ka lang sa malamig na studio,
> Nang kapirasong libing sa TV sumalo,
> Angal at inis ang sumambulat sa iyo.
> Maaari din namang pabayaan na s’ya,
> Subalit ang nangyari’y mabigat talaga,
> Namayapang pangulo’y huling paalam na,
> ‘Di mo pa pinagbigyan … hoy, nag-iisa ka!
> At nais ko lang sabihin at ipagyabang
> Sa mahigit na s’yam na libong tanghalian,
> Sa limang pangulong sa Bulaga’y dumaan,
> Kahit isa wala kaming nilapastangan.
http://www.petitiononline.com/badwilly/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)



Sang ayon po ako sa tulang isinagawa ni JOEY de leon pwede niya naman talagang sabihin yun OFF cam pero nangibabaw ang kawalang paggalang ni WILLIE...Sana lang mabigyan na siya ng leksiyon sa dami ng ginawa niya sa TV
ReplyDeletemasydo kasing mayabang si willie porket mapera na sya.bkit kasi d makita ng mga tao ang kaplastikan nya in front of tv mabait pero nakatago ang kulo sa ipinakita nya he doesn't show respect to our former president bkit gusto nya siya lang tinitingala well...darating din ang karma para sa knya.Tama lang ang tula na ginawa ni JOEY de leon
ReplyDeletetama lng ginawa mong tula..masyadong mayabang nga c willie,kung tlga mbait cya at my respeto nde n dapat nya pgsalitaan ang pghhatid s huling hantungan ng ating butihing pngulo cory aquino,at bigyan galang..wag cyang mkasrili,nde nya tv station un pinagpplabasan cya..dag2 k lng jan..
ReplyDeletegaling nman ni joey.. :)
ReplyDeletetalagang ganyan mga kapatid, ako I am not taking sides, basta ba may masaya parin sa tanghali, at matuto siya sa nangyari ok na yun. Di nmn siguro kelangan alisin siya sa abscbn para lng matuto siya hindi ba? Isipin nyo rin iyong mga ibang mahihirao na kumakampi sa kanya at sa kanya umaasa ng konting ligaya sa buhay, baka sila maapektuhan sa mga gagawin niyong pagtanggal sa kaniya.
ReplyDeleteCheers!
dapat kasi pinag-iispan muna yung sasabihin lalo na kapag nasa live telecast ka tama yung sinabi ng iba hintayin mo muna yung commercial break ng show nyo para di ka on the air hindi ka diyos para agad-agad masunod and inuutos mo sabi mo nakatuntong pa rin ang mga paa mo sa lupa pero sa ginawa nya marami talaga babatikos dun, kasi pakitang tao lang ang pakikiharap nya, lalo na sa mahihirap kapag hinalikan ka nila during show, pag-pasok mo sa dressing room antimano pahid ka ng alcohol di lang nila nakikita iyan ba ang makahirap
ReplyDeletejoey may araw ka rin/ alalaanin mo lahat ng tao nagkakamali hindi lang si willie mabuti pa sya hindi plastik na tulad mo GGO....
ReplyDeletenagmistulang kawalang respeto ang ginawa nya..natural lang ang gianwang tula ni ka joey.pero wag ka ha....isa sya sa bumoto para maging pangulo ang late president cory aquino pero ngaun sya mismo ang nanguna para lapastanganin ang huling araw ng ating pinakamhal na pangulo..dapat sau willie..binabaon sa lupa ng buhay walang respeto sa kapwa..pero sa TV kaway ka ng kaway kla mo mabait ka..hehehehehe..piz men
ReplyDeletedapat talaga tanggalin n si willie s abscbn masydo na malaki ulo nya,para na siya may ARI ng network e,para batas lagi kung mgsalita!ma'am charo santos,tanggalin nyo na sa abs yan si willie,baka paggising nyo bukas makalawa,wala n sa inyo abscbn!!!!!!!
ReplyDeletesa tingin ko tama ginawa ni willie kc nag iiyakan mga tao tas cla nagtatawanan,PARA KAY JOEY PINALALAKI LANG NIA MASYADO PARA MAS MARAMING MAGALIT KAY WILLIE, HOY JOEY DE LEON MATANDA KANA sana gamitin mo katandaan mo kung kabobohan at katangahan ginawa ni willie ANO NMAN SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO? MATANDANG WALANG PINAGKATANDAAN.....
ReplyDelete