Ex-OFW ang nanay ko. Pumunta siya sa Hongkong nung mga first year high school ako. Thirteen years old na ako noon so alam ko na ang masaktan pag iiwan ako ng magulang ko. But for the sake of surviving poverty, I could not do anything para pigilan siya. Yung dalawa kong kapatid ay mga bata pa kaya't hindi nila gaanong ramdam ang sakit na maiwan ng nanay. My brother was nine years old back then and my sister was 7 years old. Ganon pa sila kabata nung iniwan kami. Masakit para sakin 'yon. Kahit sabihin nilang lalaki ako, hindi ko napigilan na umiyak kasi nga nanay ko iyon. Ang tatay ko naman kahit alam niyang mahihirapan siya na palakihin kami ng walang nanay ay pumayag din para lang may ipambayad kami sa tuition fee at sa araw araw naming pangangailangan. Para maibsan ang sakit, laging sumusulat ang nanay ko noon, iba ibang sulat kada miyembro ng pamilya. Isa para sa tatay ko, isa para sa akin na panganay at tig-isa din para sa dalawang kong kapatid. Hindi pa gaanong uso ang cellphone noon kaya't nagtiyatiyaga kami sa sulat. Tatlong taon kaming nagtiis na hindi namin kasama iyong nanay namin. Out of three long years, minsan lang siya umuwi, pasko noon. Laking tuwa ko at umayos na ang buhay namin noon kahit paano. May bahay na kaming sarili, maayos naman ang pinagaaralan naming eskwelahan, tatlong beses naman kami kumakain sa isang araw, minsan nga ay sobra pa sa tatlo kaya hindi ko maikakaila na malaking tulong nga iyong pagpunta ni mama sa Hongkong.
Ngunit habang nandoon siya, ako naman dito, bilang panganay, bilang lalaki, at bilang isang high school student ay natutong magloko. Pinasok ang bisyo, pag aabsent sa eskwelahan, at pakikipagbarkada. Kadalasan pa'y hinahanap ako ng tatay ko sa kung saan-saan kasi naglayas ako. Hindi madali para kay papa iyon dahil dapat nanay ang gumagawa ng ganung klaseng trabaho sa pamilya. Ang suportahan ang emosyonal na pangangailangan ng isang miyembro ng pamilya ay trabaho niya. Pero wala siya dito sa pilipinas kaya walang magawa ang tatay ko kundi gampanan ang lahat ng iyon. Ngunit dahil ama siya at hindi ina, hindi niya akong nagawang patinuhin ng gaya ng dati. Tumino man ako ay hindi lubusan. Dalawang beses ako nag third year high school, adik na ako sa yosi, umiinom na rin ako ng wala pa sa hustong gulang, pero kahit paano ay hindi ko pinasok ang droga. Sa lahat ng kalokohan, doon lang ako tumanggi. Nasubukan ko, oo, pero hindi ko tinuloy-tuloy. Dahil yon sa tatay ko na laging bukang bibig ang pagiwas sa droga. Proud ako sa erpat ko dahil nakaya niyang magtiis na wala si mama bilang asawa niya, wala si mama bilang nanay ng anak niya, nakaya niyang maging nanay at tatay sa amin tatlong magkakapatid, habang nagtratrabaho sa puwestong naipundar, at kung walang customer sa tindahan namin tuwing tag-ulan ay karpintero siya sa mga construction.
After three years ni mama sa HK ay bumalik siya for good. Balak niya pang bumalik noon pero pinigilan ko na siya. Kaya ko pa naman magtiis na mawala siya ulit para sa ikauunlad ng pamilya namin, pero natakot ako sa nangyari sa akin. Ayaw ko na mangyari lahat 'yon sa dalawa kong kapatid. Ayaw ko na mapahirapan pa ulit si papa na walang katabi tuwing gabi, lalo na kung pagod siya. Ayaw ko nang maulit lahat iyon, tama na iyong isang anak ang napahirapan. Huwag na lahat. Ginusto naman ni mama yung suggestion ko na huwag na siyang bumalik. At mula noon pinangako ko na sa sarili ko na tutulong ako pag ako nakatapos ng college.
Pinagtiisan namin ang konting kinikita ng tindahan namin, at ang paraket raket ni papa sa mga construction. At, nakatapak nga ako sa college. Last year, nagbabalak si mama na bumalik ulit ng Hongkong, Mas humirap daw kasi ang buhay at humihina ang tinadahan namin. Lalo daw noong nagaaral na rin ang isa kong kapatid ng college. at graduating ako noon, dalawa kaming pinagaaral nila sa kolehiyo kaya't gusto niyang bumalik. Hindi parin ako pumayag, bakit? Dahil ngayong high school iyong bunso naming kapatid na babae, at nasa kalagitnaan siya ng kapusukan ng isang tao, ay lalo niyang kailangan ng nanay. Ganon din sa kapatid ko na lalaki, kelangan niya ng nanay, para di siya mapasok sa mga bisyong piansukan ko. Ayaw ko na dumating ang araw na umuwi yung bunso naming kapatid na buntis nang hindi pa kasal o kaya naman iyong kapatid ko na lalaki umuwi ng bangag sa drugs. Ayoko nun.
Hanggang ngayon ay pinipilit ng nanay namin na bumalik siya sa HK, ayaw ko parin. Pero ngayon ay may mas matibay na akong rason kung bakit ayaw kong pumayag sa gusto niya. Ngayon kasi ay may trabaho na ako, tapos na ako sa college, my brother naman, nasa third year college na rin, iyong bunso namin graduating ng high school at maayos naman ang buhay nila nung wala na ako na pinapakain nila't pinagaaral. Sabi ko sa nanay ko, kukuha lang ako ng experience dito sa pilipinas at magaabroad na ako para tumulong sa pagpapaaral ng kapatid ko. Buti na iyong ganun kasi walang mahihirapan. Di tulad na kung siya ang aalis ay marami maapektuhan.
Sa mga kaibigan nating OFW jan, sana po ay huwag sumobra sa pagkagarapal sa pera ng ibang bansa. Kung sapat na po ang kinita ninyo jan ay balikan ang mga naiwang kapamilya, dahil masmahalaga iyong oras na magkasama kayo kahit asin lamang ang ulam, kesa iyong masarap nga pagkain ninyo sa araw araw ay hindi naman kayo magkasama. Hindi sapat ang internet, webcam, cellphone, sulat at kung anuano pang mga paraan ng communication para masabing nagsama na kayo. Iba parin iyong nasa tabi mo siya, hawak mo iyong kamay, nagtatawanan kayo, sabay kayong sumusugod sa mga problema at sa mga saya.
Huwag ipagpalit ang pera, sa oras.
Sa nanay ko, I'm proud of you ma! thanks!
Sa tatay ko, Pa! astig ka! Akalain mo, nakaya mo iyon? I am really proud of you too.
Sa magiging anak ko, Hindi ko ipagpapalit at pera sa oras na kasama kita!
Cheers!



sa iyo..malaking respeto ang ibigay ko sa iyo dhil yun ang iyong prinsipyo sa buhay, Subalit sa aking palagay kahit malapit o malayo ang isang magulang kung ang katinuan ng isang teenager n gaya mo n naiwan ng bata pa nasa pag- aadjust n yan sa sarili. khit malayo ang Ina at tuloy ang komunikasyon at di nagkukulang sa paalala at pangaral bilang magulang walang problema n mkikita dhil para din sa kinabukasan
ReplyDelete